Tuesday, August 13, 2013

Friend Zone



Minsan,
Hindi mo alam.
Ayaw mong alamin.
Iyon na pala iyon.
Kadalasan,
Patay-malisya ka.
Deadma.
Walang keber.
At ngayong naisip
Mo na pwede pala
Maagaw,
Masayang,
Maligaw,
Ikaw ay titingala.
Sa langit.
Sa kisame.
Sa kanya.

Habiin mo itong mga
Salita...
Baka sakali, 
Baka sakali lamang
Ang pagsinta
Ay masilaban.

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.