Wednesday, September 12, 2012

Sagradong Alas-Tres

Hay.
Naiisip na naman kita.
Ang kulay mo
pampagising sa antukin
kong diwa.
Ang iyong amoy -
nakakagigil.

Bawat dampi ng
labi ko sa iyo,
Bawat tikim,
palaging parang
pers taym.

Alas-tres na.
Hindi ako mapakali.
Nais na kitang tikman.
Nakakapangilabot ang
imahe mo.
Hindi ka mawala sa aking isipan.

Bababa na.
Alas-tres na.
"Manang, isang Magnum nga po."

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.