Monday, August 10, 2009

Starbucks v2

Nananahimik ako
nakaupo sa Starbucks
pahigop-higop ng aking
kape, nagmamatyag,
nagpapalipas oras.

Bumukas ang pinto. At
hayan ka, kasama sya.
Nakapaldang plantsado,
maiksi at ang
kanyang blusa- hapit,
nakayakap
sa malusog nyang dibdib.
Ang buhok nya makintab.
Ang muka nakapinta.

Ako, nandito. Basa sa ulan at
natuyo sa lamig ng Starbucks.
Malagkit
ang pakiramdam ng balat.
Yudyod ang kwelyo ng
t-shirt,
ang sneakers ko puno ng
putik at pantalon ko'y butas...
Ang lamig nanunuot na
naman....

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.