Thursday, July 30, 2009

Bintana at Salamin

Sa harap ko: ikaw.
tumatagos ang titig, lumalamig ang tingin.
Ano ba ang alam mo?
Mga gusali, ang buwan at ilaw:
puro salita, purong diwa ay hangin.
Ano ba ako?

Tatayo, maglalakad, maninigarilyo.
Susulyap sa aking kaibigan:
Papatak na ba?
Hindi mapakali, napapakamot sa ulo.
Titigil... at isang palaisipan:
May luha na?

Sa harap ko: ikaw.
Sumisigaw ang pipi pero tikom ang labi.
Umiiyak ang mga matang nagyeyelo sa manhid...
Sa bintana. Sa bintanang salamin.

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.